Your Ad Here
gravatar

During the Job Interview...

Four Job applicants were asked: What is the fastest thing in the world???

German says: THOUGHT

American says: BLINK of an Eye

Aussie says: Light Switch

Juan d Pinoy says: DIARRHEA!!!

Juan: Lit mi eksplin, dis murning, i hab istumak eek, i run to di tuylet but bipur i kud tink, blenk, or eben swits un di lyt, tangina!! dir was syit en my pants olridi su past!!! :)


Permalink
gravatar

Hulaan Time!

Q: Anong apelyido ni Sisa?
A: Sisa Mistrit

Q: Anong apelyido ni Cedie?
A: Cedie Player

Q: Anong apleyido ni Beast?
A: Beast Kwit

Q: Anong first name ni Nemo?
A: Sarahgero Nemo

Q: Anong apelyido ni Punisher?
A: Punisher Ranno

Q: Anong apelyido ni Denzel?
A: Denzel Weta

Q: Anong apelyido ni Curly?
A: Curly Gazpi

Q: Ano last name ni Anchor?
A: Anchor Tis

Q: Ano last name ni Jewel?
A: Jewel Torre

Q: Ano last name ni Kula?
A: Kula Desma

Q: Ano surname ni Joseph?
A: Joseph Protgam

Q: Anong apelyido ni Aiko?
A: Aiko Zada

Q: Anong apelyido ni Christopher?
A: Christopher Minute

Q: Anong apelyido ni Palito?
A: Palito Lippi

Q: Anong first name ni Keno?
A: Krisa Keno

Q: Ano first name ni Janno?
A: Eduman Janno

Q: Ano first name ni Squall?
A: Piolopa Squall

Q: Ano first name ni Basilio?
A: Lacto Basilio

Q: Ano first name ni Pikachu?
A: Cherrypie Pikachu

Q: Ano first name ni Kenny G?
A: Johnep Kenny G

Q: ano ang first name ni Volta?
A: Johntra Volta

Q: Ano first name ni Diether?
A: Tirso Cruz Diether


Permalink
gravatar

MGA JOB TITLES NA DAPAT NANG PALITAN:

PRESIDENT- pasimuno.
VICE PRESIDENT- kunsitidor.
SECRETARY- palsipikador.
TREASURER- kubrador.
AUDITOR- kasabwat.
PUBLIC RELATION OFFICER- tsismoso.
REPRESENTATIVES- pahamak.
SPOKESMAN- bolero.
SGT-AT-ARMS- tirador.
ADVISER- taga sulsol. (mas tama di bah?)


Permalink
gravatar

Past, Present and Future Tenses!

TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
BOY#1: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE?
BOY#2: Naglalaba!
TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE TENSE?
BOY#3: MAGSASAMPAY mam!


Permalink
gravatar

Enday Probensyana

Inday: koya, karamehan pala nakalebeng sa simintiryu…. GENAHASA!!!

Kuya: Pano mo nalaman???

Inday: eh kase, nakalagay sa lafeda nela… RIP!!!!


Permalink
gravatar

Pasaway na Wrong Lyrics

“I decided long ago, never to walk with edu manzano.”
“so kiss me and smaffle me.”
“it started when we were younger you were nine.”
“some people want tambourines but I don’t”
“my only nest is killing me.”
“don’t go jason waterfalls.”
“constantine, you’re on my mind.”
“soul of Christ sat beside me.”
And finally, “nothing’s gonna change my love for you, you know naman my love how much I love you.”


Permalink
gravatar

Magsisisi Ka

Isang gabi, may lalakeng nasiraan ng auto sa isang liblib na bayan. Wala namang sira, marami pang gas. Weird. May ermitanyo sa may puno ng balete na lumapit. Ibinebenta daw ang isang libro, P1000 daw. Namamahalan siya pero npilitan syang bilhin. Sbi ng mtanda, wag titignan ang huling pahina kundi magsisisi siya. Tapos, nawala ang matanda. Umandar ang kotse. Sa bahay, di siya makatulog. Kinuha ang libro, tinignan ang huling pahina. Ang nakasulat, NATIONAL BOOK STORE – P47.75


Permalink
gravatar

Name in Tagalog

Teacher: what’s your name
Pupil: Early Seven Strikeland po!
Teacher: niloloko mo ba ko?
Pupil: hindi po, yan ang name ko sa inglis! Sa pilipino po, Agapito Hampaslupa.


Permalink
gravatar

Sa Camp Crame

Pulis1: pre, alam mo naba ang usap-usapan?
Pulis2: bakit pre anong balita?
Pulis1: may bading daw sa campo ntin?
Pulis2: sino daw pre?
Pulis1: kiss muna!


Permalink
gravatar

TOP 10 Text na Mahirap Replayan sa Text Message

10. Ganun ba.
9. Oo nga.
8. Ah.
7. Ngek.
6. K!
5. hehe.
4. haha.
3. Cge.
2. Yup.
At higit sa lahat,
1. ü


Permalink
gravatar

Love Story ng Pokpok at Adik

ADIK: Love, pakasal na tayo!!!!
POKPOK: ok lang ba syo??? May nkaraan ako eh!!!!
ADIK: ok lang honey, wala nmn akong kinabukasan eh!!!


Permalink
gravatar

ERAP in Video Store

Erap: isasauli ko tong nabili kong VHS tape.
Clerk: ano problema?
Erap: walang picture tsaka sound. Sayang, suspense thriller pa yata.
Clerk: Sir anong title?
Erap: head cleaner!!


Permalink
gravatar

Ang Problema, Bow.

Hindi matatangay ng hangin ang bawat problema sa buhay.
Hindi maaagos ng luha ang lungkot.
Hindi mawawala sa isip at puso ang nararamdaman.
Pero ganun pa man...
Ano nga ba ang tagalog sa "cake"???


Permalink
gravatar

Isang Gabi...

Isang gabi, naglayas ako.
Naligaw sa mundo...
Nadapa...
Umiyak....
Naghabol....
Nasugatan...
Pero tumayo ulit....
Galing noh????
Isang gabi lang yun!!!!


Permalink
gravatar

Like Tatay Like Anak

Tatay: bagsak k n nmn!!!!! Bakit hindi mo gayahin si Pedro???? Palaging may honor!!!!
Anak: unfair naman tay kung ikukumpara niyo ako kay Pedro!!!!!
Tatay: at bkit naman aber????
Anak: matalino kaya tatay nun!!!!


Permalink
gravatar

Celebrity Names

hay grabe, nauuso na talaga ang mga celebrity name jokes!
Anchor-Tis;
Lo waist-Manzano;
A friend-“Bata” Reyes;
Some-Milby;
Money-Pacquiao;
Sori na-Dalrymple;
If-P>J;
Its hard-Gutierrez;
Few-lo Pascual;
Tama na! Basta, eto lang masasabi ko.
Grabe na ka-corny.
Korni na talaga.
Korni na. Sanchez


Permalink
gravatar

Akala ko buhay pa siya

Pedro: ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute.
Leo: oh totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: dun sa burol niya!


Permalink
gravatar

Another Sad Story.

A little boy was so jealous of his new born brother. So he put poison on the nipples of his mother. The next day, their driver died! Sad noh?


Permalink
gravatar

ERAP in McDo

ERAP: I’ll have large fries, coke and a burger.
CASHIER: for dine in or for take out?
ERAP: no, for jinggoy.


Permalink
gravatar

Tanga Mo!

NURSE: nasa isip mo ba pamilya mo?
BALIW: siyempre man! OO!
[Nurse natuwa..]
NURSE: asan ba pamilya mo?
BALIW: nasa isip ko. Tanga ba you?


Permalink
gravatar

May mas Kokorny pa ba dito?

Q: bangin ka ba?
A: nahuhulog kasi ako sayo.
Q: pustiso ka ba?
A: kasi I can’t smile without you.
Q: pagod na pagod ka na noh?
A: maghapon at magdamag ka na kasi tumatakbo sa isipan ko eh.
Q: my butas ba puso mo?
A: kasi natrap na ako sa loob! Can’t find my way out.
Q: anong height mo?
A: pano ka nagkasya sa loob ng puso ko?


Permalink
gravatar

Kung Mayaman, Kung Mahirap

Kung mayaman ka, meron kang "allergy"**
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"**

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"**
Sa mahirap, "sira ang ulo"**

Kung mayaman ka, "pneumonia" daw ang sakit mo**
Kung mahirap, "TB" yon**

Sa mayaman, "hyperacidity"**
Kapag mahirap, "ulcer" dahil walang laman ang tiyan**

Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac"**
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"**

Pag mayaman ka, you're "eccentric"**
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"**

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine"**
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"**

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic"**
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"**

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "sun tanned"**
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga"*
*

Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite"**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot"**

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"**
Kapag mahirap ka, ika'y "tabatsoy" o "lumba-lumba"...pagminamalas ka,
"baboy"**

Kapag mayaman, "fasting" ang hindi kumain**
Kung mahirap, "nagtitiis"**

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay
"socialite"**
Kung mahirap ka, ikaw ay "pakawala" o "pok-pok"**

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay "liberated"**
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo "malandi"**

Kapag mayaman, "misguided" o "spoiled" ka**
Kung mahirap ka, "addict" o "durugista"**

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent"**
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada"*
*
Kapag mayaman at sexy, "fashionable" daw**
Kung mahirap, sigurado "GRO" o "japayuki" ka**

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, "vegetarian"**
Habang kakaawa ang mahirap na " kumakain ng damo."**

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro**
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa
kanila ay "bastos!"**

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood"*
*
Ang mga mahihirap ay "gumugurang"**
Ang anak ng mayaman ay "slow learner"**
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gung-gong"**

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
"masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"**
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host
will say to himself na ikaw ay "patay-gutom"**

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang
tawag sa iyo "expat"**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "contract worker"**

Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, "okay lang"
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay" nagbubulakbol"...
kaya forward mo na agad ito dahil nasa likod mo ang boss mo!*


Permalink
gravatar

Anong Problema Doon?

Patient: Doc may problema ako… tuwing alas otso ng umaga.. tumatae ako…
Doctor: so anong problema doon???
Patient: Alas nuwebe ako gumising eh…


Permalink
gravatar

Brainless is back!

Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?
Contestant : Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant : (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!


Host : Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host : O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito (Rizal Park ).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)


Host : Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host : Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant : Beerhouse!


Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant : Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?
Host :Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant : Ah, Mr. Clean!


Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host : Hindi! Hindi ito babae.
Contestant : Siyokoy?
Host : Hindi ito lalake.
Contestant : Siyoke?


Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines ?
Contestant: Sunflower?
Host : Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant : Si...Sharon Cuneta!


Host : Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia?
Contestant : Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant : Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host : Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant : BISHOP Bacani?
Host : Mas mababa sa bishop.
Contestant : Johnny MidNIGHT?
Host : Mas mababa sa Knight.
Contestant : Jerry PONS?
Host : Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!


Host : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant : Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!


Permalink
gravatar

Sa Kumpisalan...

Killer: Father mangungumpisal po ako…

Father: ano ba kasalanan mo???

Killer: pumatay po ako ng 20 katao…

Father: Bakit??

Killer: kasi po naniniwala sila sa Diyos… kayo po ba naniniwala??

Father: Dati, pero ngayon trip-trip lang…


Permalink
gravatar

Ang Lupet ng Itlog mo!

Sa palengke…

Kumare1: alam mo mare, pag nakakakita ako ng patatas naaalala ko itlog ng mister ko!!!

Kumare2: wow… bakit?? Dahil ba ganito kalaki??

Kumare1: hindi ah… ganyan KADUMI!!!!


Permalink
gravatar

M Colors

Teacher: Give me colors that begin with letter “M”

Pupil: Maroon!!!

Teacher: Anybody else??

Ngongo: Mlue, Mrawn, mlak, maiolet…

Teacher: Mery ngood!!!


Permalink
gravatar

If I die?

Ex-BF: Do you have any idea what would happen to you if I die?

Ex-GF: I might also die..

Ex-BF: (blushes) Why?

Ex-GF: Sometimes, too much happiness can cause death.


Permalink
gravatar

The Death of Bill Gates

Bill Gates died in a car accident. He immediately found himself being sized up by St. Peter.

“Well, Bill. I’m really confused on this call. I’m not sure whether to send you to Heaven or to Hell. After all, you helped society enormously by putting a computer in almost every home in America, yet you also created that ghastly Windows 95. I’m going to do something I’ve never done before. In your case, I’m going to let you decide where you want to go.”

Bill replied, “Well, what’s the difference between the two?”

St. Peter said, I’m willing to let you visit both places briefly, if it will help your decision.”

“Fine, but where should I go first?”

“I’ll leave that up to you.”

“Okay, then,” said Bill. “Let’s try Hell first.”

So Bill went to Hell. It was a beautiful, clean, sandy beach with clear waters and lots of beautiful women running around, playing in the water. The sun was shining. The temperature was perfect. He was very pleased.

“This is great!” he told St. Peter. “If this is Hell, I REALLY want to see Heaven!”

“Fine,” said St. Peter, and off they went.

Heaven was a place high in the clouds, with angels drifting about, playing harps and singing. It was nice, but not as enticing as Hell.

Bill thought for a quick minute and then gave his decision. “Hmmm. I think I’d prefer Hell,” he told St. Peter.

“As you desire,” said St. Peter, and Bill Gates went to Hell.

Two weeks later, St. Peter decided to check on the late billionaire to see how he was doing in Hell. When he got there, he found Bill shackled to a wall, screaming among the hot flames in dark caves, being burned and tortured by demons.

“How’s everything going?” he asked Bill.

Bill responded, with his voice filled with anguish and disappointment,

“This is awful! This is nothing like the Hell I visited two weeks ago! I can’t believe this is happening! What happened to the other place, with the beautiful beaches and the women?”

St. Peter replied, “That was a demo.”

Source: http://www.humorbin.com/showitem.asp?item=717


Permalink
gravatar

Banat Quotes 2: Caps LOCK

BAHALA PANGIT BASTA HULOG NG LANGIT. =P

OK LANG TAWAGIN MO AKONG HALIMAW BASTA OK LANG DN BA SAYO KAININ KITA?. >=)

MABUTI PA ANG MULTO NAG PAPARAMDAM! EH IKAW!? =(

BAHALA NA MAPUROROT BASTA PUSO’Y DI KIKIROT. d=)

KAHIT DI AKO KAGWAPUHAN BASTA TANDAAN MO AAWAYIN KO SILA WAG KA LANG MAHIPUAN

UTOT MO MAN AY MABAHO, ITO’Y AKING TITIISIN WAG KA LANG MAGLAHO. =]


Permalink
gravatar

Banat Quotes 1

marunong ka ba magbudget?
kc npapamahal na ako sayo eh:”>

aabsent ako sa klase ko,
makapasok lng sa puso mo :”>

kung ikaw puno ako baging…
pwede ba kitang gapangin? :))

cgurado ka bang manliligaw ka sken?
o cge ito lang masasabi ko..
kung ikaw tao, ako tao,
sayang nu? di tayo bagay :))


Permalink
gravatar

Hwag EPAL

BOY : miss chicharon kb ?
GiRL : bket ?
BOY : kc ansarap mu papakin :))

BADiNG SUMiNGiT :
ako ,parang chicharon din ba ?

BOY : oo ! tang ina ka !
nakakahigh blood ka !


Permalink
gravatar

Denise and Denephew.

Pregnant wife awakened from deep coma
Doctor: You had twins boy and girl. Your brother named them.
Mother: Not my brother! He's an idiot. What’s the name of the girl?
Doctor: Denise
Mother: Ok. and the boy?
Doctor: Denephew


Permalink
gravatar

Gagawin mong palusot

pag nadulas ka sa harap ng crush mo…
ang the best na palusot:

“see how i fall for you?”


Permalink
gravatar

Studies ba muna?

girl: break na tayo… kailangan ko kasi mag concentrate sa studies ko.

boy: ah ganun ba? sige pero siguraduhin mo lang na wala kang bagsak.

girl: bakit naman?

boy: kasi kung hindi,.

TAYO ULIT


Permalink
gravatar

Ang aking Relo. Bow.

May kilala ka bang gumagawa ng relo?

May sira ata relo ko. Pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko.


Permalink
gravatar

Coffee Commercial

Great person, ikaw yan. Great Gfriend, ikaw rin yan. Great looks, sa’yo talaga yan. Great heart, sa’yo pa in yan. Great taste, sobra ka na. KAPE na yan.


Permalink
gravatar

Binabanat Banat

Smile ka lng ha. (kinikilig kasi ako pag nkangiti ka) =’>

Table of contents kba? ikaw kasi ang laman ng bawat pahina ng buhay ko. =’>

Uy, smahan mo nman ako sa Psychiatrist. dalhin ko dw kasi yung kinababaliwan ko. =’>

Ksapi ka ba ng SMP? Samahan ng mga Malalamig ang Pasko. Bkit di mo subukan, PSP? Pasko Sa Piling ko. =’>


Permalink
gravatar

Banat ka pa. LOL.

guy: ms lupa kaba???
gurl: at bakit??!!!
guy: kasi parang ako yung nakatitulo sayo ehhh
gurl: ganun???!! bakit ilang page ka ba???
guy: huh???
gurl: kasi subrang kapal mo!!!!


Permalink
gravatar

Sa isang sabungan...

Sa sabungan walang entrance fee ang may dalang panabong..
Si Juan para makalibre pumasok may dalang sisiw..

Bantay: hoy!! ano yan?
Juan(galit pa): manok!! bakit?
Bantay: alam ko.. eh bakit sisiw??
Juan: heller?? may laban ang ama niya siyempre moral support.. tanga!!!


Permalink
gravatar

Matalino ka ba sa Math?

Ina: Anak matalino ka daw sa math sabi ng titser mo
Anak: Opo
Ina: sige kunwari binigyan kita ng 5 apples and 3 grapes. Ano ang sagot mo?
Anak: Thank you po!!!


Permalink
gravatar

Planets daw?

Teacher: Ok class, our lesson for today is about plantes. Earth is the third planet from the Sun. Now, what is next to Mercury?


Estudyante: Murag Rose Pharmacy man tingali Ma'am! Dili lang ko sure ha? Hahahahaha!


Permalink
gravatar

A Very Sad Story

A guy visits his dying Chinese girl friend at d hospital. D Chinese girl said "Hong Pi Chik" den die. D guy went all d way to China to find d meaning of his friend's last w0rd. And he was sh0ck 2 kn0w d real meaning.






"WAG MO TAPAKAN ANG OXYGEN"

Ngek? =/


Permalink
gravatar

Bob Ong's Famous Quotes

  1. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
  2. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. "
  3. " Alam mo ba kung gaaNo kalayo ang Pagitan ng dalawang Tao pag nagtalikuran Sila? - Kailangan mo libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN MO."
  4. "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso... Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal.."
  5. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
  6. “Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
  7. "Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
  8. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
  9. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
  10. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.."
  11. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
  12. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."
  13. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
  14. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
  15. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
  16. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
  17. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."


Permalink
gravatar

Ang Tatlong Bampira

May tatlong bampira sa bar.

RICH VAMPIRE: oorder ako ng fresh blood.
ORDINARY VAMPIRE: sa akin isang order ng dinuguan.
POOR VAMPIRE: hot water nalang sa akin.
WAITER: bakit hot water lang po.?
POOR VAMPIRE: nakpulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako... LOL


Permalink
gravatar

Pangalan

N0EL: ipapangalan
ko sa aking anak
"LE0N" baliktad ng
N0EL.

NIN0: sakin "0NIN"
baliktad ng NINO.






TOTO: wag nyo
akong maisali-sali jan sa usapan nyo!
hehe =]


Permalink
gravatar

Bakit?

Magmahal? Oo, nagawa ko na.

Magpakatanga? Oo, nasubukan ko na.

Umiyak? Oo, ilang beses na.

Sumuko? Hnd pa. Bakit ako susuko?


Mukha ba akong WANTED? :)


Permalink
gravatar

Plants vs. Zombies Love Story

ZOMBIE: Why do you keep on striking me with your peas that will eventually shoot me to death when I only wanted to be near you?

PEASHOOTER: Because you are only interested with my brain. How about my heart?ö


Permalink
gravatar

Paload naman Labs

Gwapo nagtext: Labs, paload naman P100.

Bakla: Ok!
(nagmamadaling maghanap ng loading area)

Bakla: Narceive mo na Labs?





Gwapo: HU U?


Permalink
gravatar

English o Tagalog?

TATAY: mula ngayon walang magsasalita ng ingles.. ang sinumang magpa dugo ng ilong ko at sa nanay nyo, palalayasin sa pamamahay na to! klaro ba?

ANAK: ang mga namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw,
sa kaibuturan ng aking puso, gugunam-gunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran..
tatalikdan ang matatayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingian,
bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban..

TATAY: (tulala)

mas dumugo ang ilong. LOL.


Permalink

Adverts

Earn Money Thru Blogging!

Get cash from your website. Sign up as affiliate.

Where in the World

Visitors