English o Tagalog?
TATAY: mula ngayon walang magsasalita ng ingles.. ang sinumang magpa dugo ng ilong ko at sa nanay nyo, palalayasin sa pamamahay na to! klaro ba?
ANAK: ang mga namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw,
sa kaibuturan ng aking puso, gugunam-gunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran..
tatalikdan ang matatayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingian,
bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban..
TATAY: (tulala)
mas dumugo ang ilong. LOL.